foreverdream
June 2nd
Female
lungsod quezon
´┐Żbampira´┐Ż

i'm foreverdream a 19 yr oLd freak a student in an underground coLLege in sta.cruz maniLa who Listens to rock music a frustrated drummer who wants to be in a band but the band doesn't want her who talks to herself a lot in front of a mirror who never Listen to a compLement who Loves kim jae won a dreamer a witch a puLper a souLsearcher ready to faLL from the 20th fLoor of a buiLding who Longs for a reaL friend wasted senseLess no one understand because she's unpredictabLe a negative girL easy to give up unLess for him who thinks she's dumb because of her countLess wrongs who never forgets her chiLdhood memories a mute sLow thinker a soft spoken a bLogger..





   

<< December 2018 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01
02 03 04 05 06 07 08
09 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31

AmazingCounters.com
ang mga nakakita..

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



 
Friday, December 21, 2012
7
dahil doomsday maga-update ako. hindi pa rin nagugunaw ang mundo katulad ng nasasaad sa mayan calendar. pero di pa naman natatapos ang araw baka na late lang. ang mga ginawa ko lang ngayong doomsday ay sumakay sa bus, naglaba, nagdownload ng isang album at natulog. pagkagising ko ay ang kasalukuyan. naglaba ako kasi baka di matuloy doomsday, wala ako uniform sa sabado pamasok. nagdownload ako ng album ng mayday parade para may mapakinggan soundtrip habang nagtatakbuhan ang mga tao patungo sa kaligtasan kung nagaganap na ang doomsday. natulog ako para paggsing ko ay doomsday na. at sa ngayon, nasa ganap pa ring kaayusan ang lahat,salamat kay Bro. at syempre naiisip ko rin ang kaligtasan ng pamilya ko sa mga oras na to. meh christmas party ang ultrasound section mamaya. potluck daw kaya chopsuey at blueberry cheesecake ang dadalhin namin. kainan nanaman. hindi na mapigilan ang sobrang pagtaba ko. ano na ang gagawin ko. nagaalala ako. baka walang kumasya na gown sakin kapag kinasal na ko. hindi ko matagalan ang mga ehersisyo na kailangan magawa ko. sobrang nakakapagod ito. kailangan kong tiisin pero di ko na kaya.

Posted at 12/21/2012 4:34:15 pm by foreverdream
comments  

 
Tuesday, July 24, 2012
6
isang araw naalala ko ang mga taong ayoko makasama. isa ka na dun. oo ikaw. ikaw na nagpamukha sakin kung gaano ako ka walang kwenta noon. at noon gustong gusto kitang makita. makausap. kamustahin. pero naiinis lang ako sa sarili ko sa pagkakagusto kong gawin ang mga bagay na yun. namura ko lang ang sarili ko ng ilang beses. hindi ko na dapat kasi ito dapat na gustuhin. dahil wala na. tapos na. ngayon, sa mga sandaling ito, iniisip ko na ano kaya kung tawagan kita. kaya lang di ko alam ang mga sasabihin ko. iinggitin ba kita kasi sobrang layo ko na sayo. aaminin ko na nagdadalawang isip ako. di mapakali na parang natatae. kadiri. oo nakakarimarim ang mga pinagiiisip ko. nakakasuka. walang kwenta. walang silbi. ayoko na. di ko to gusto. pero siguro nga hinahanap ka pa rin ng kung ano mang puwang na nasa pagkatao ko. na hindi pa kuntento sa mga nangyayaring di maganda sayo. sa akin. nahihirapan na rin ang sarili. bakit ba hindi ka maalis sa alaala na to. nakalimutan ko na yung mga ginawa mong masama. kaya ngayon, mga masasayang alaala na lang ang naiwan.

Posted at 7/24/2012 12:52:09 am by foreverdream
comments  

 
Saturday, April 28, 2012
5
ngayon ay sabado April 28 2012 ang araw na pinakahihintay ng lhat ng taong bato. yes! PULP SUMMER SLAM 12 THE APOSTLES na mamaya. handa na ang lahat may ticket na ako. nagawa ko na ang lahat ng dapat kong gagawin ngayon. ginawa ko na kahapon. sayang lang. di ko madadala dslr camera ko. bawal daw kc pero yung pocket sized na digital camera pwede. sayang ganda sana ng photos ko. at eto pa, pwede pala magdala ng yosi pero lighter at posporo hindi pwede. haha pano kaya ako magsisindi ng yosi nun. ang aga lang tumugtog ng chicosci at kamikazee sila ang starting kaya sana maaga ako makapunta. hihintayin ko pa kasi yung txt ng kaibigan ko bago ako umalis. hindi rin ako pwede na pumasok dun agad kasi yung ticket ko nasa kanya. sana maaga sya dumating. at sana makabili ako ng magandang pulp tshirt. salamat nalang kay ralph at makakapunta ako sa summer slam. mas masaya sana kung kasama ko sya. di bale after 2 years from now, sisiguraduhin ko na magkasama na kami makakapunta dun. sana nga makaalis na ko agad para di na tumagal ng tumagal yung pag uwi ko. sana maging maayos na ang lahat.

Posted at 4/28/2012 9:27:10 am by foreverdream
 

 
Wednesday, March 14, 2012
4
nasa kalawakan na ang kaibigan ko ngayon kasama ng mga tala. sobrang nalungkot ako sa pagkawala ni Karl Roy. tangina. pag gising ko ito ang bumungad sakin. parang ayoko ng kumilos. tinamad ako pumasok. pero pumasok pa rin ako. sobrang di ko matanggap. bakit? too soon. nung una tulala lang ako. hanggang sa mapansin ko ang oras. mali late na pala ako. nakalimutan ko na mag almusal. pumasok ako ng walang laman ang sikmura. laman naman sya ng utak ko. hanggang sa unti unting mag sink in sa akin. wala na si karl roy. naluha ako. sana mag resurrect sya. di ko talaga matanggap. hindi ko man lang sya nakita sa huling pagkakataon. at na admit pa pala sya sa hospital na pinagtatarbahuhan ko bago sya nawala. too late. kung alam nya lang kung gaano ako kahanga sa kanya. husay ng gawa nya. kung nasan man sya ngayon, sana malaman nya na patuloy ko syang titingalain. di ako magbabago. kahit ano pa yung mangyari, parte sya ng naging pagkatao ko. sa pagkahilig ko sa musikang bato, boses nya ang isa sa mga una kong napakinggan. mga kanta na naging last song syndrome ko. di ka mawawala sa buhay ko. ang impluwensya mo. ikaw na mismo. rest in peace kapatid!

Posted at 3/14/2012 2:06:33 am by foreverdream
comments  

 
Monday, March 12, 2012
3
nabubuhay sa nakaraan. napansin ko lang. bumabalik ang dati kong nakakahiligan. di ko alam kung bakit. namiss ko lang siguro. tulad ngayon. bumalik ako dito. tapos sa myspace. na member ako since highschool pa. mga first year nun. nung natututo pa lang ako mag internet. kung pano magsearch. nagrerent pa lang ako nun. kasi wala pa nga kaming computer. sobrang patok na busines ang mga internet shops noon. lalo sa mga malapit sa schools. tambay ang mga estudyante dito. uso pa ang ragnarok. yung counterstike. at iba pang mga RPG na pinaglumaan na ng dota. warcraft pa nga yun dati. akala mo magreresearch ng tungkol sa assignment at projects. updated na nga kasi. yung myspace nga updated na rin. naging myspacemusic na. sarap lang magsound trip. naadik na ko ngayon pa lang. minahal ko na. sabi nya mawawala na daw ito. sana di totoo. grabe ang trabaho ko ngayong araw. parang ayoko na yata. sobrang naaartehan ako sa kanila. trabaho ang tingin ko sa kanila. palpak kong trabaho. sawa na ko. ano na lang nga kayang magandang gawin. sana meh kinikita rin ang mga tambay. para yun nalang ang trabaho ko. sana maging ok duty ko bukas. kung ano ang gusto nila yun nalang ang gagawin ko. pag di ko na kaya, ayoko na.

Posted at 3/12/2012 11:27:33 pm by foreverdream
comments  

Previous Page Next Page