Entry: 8 Monday, January 07, 2013



eto na ang unang blog post ni kundiman ngayong baong taon. madami nangyari nuong nakaraang taon. mga tama at mga maling desisyon, na humantong sa mga magaganda at masasamang pangyayari. isang halimbawa ang kasalukuyang agam agam. ako ay nakiusap sa isang kaibigan na itago natin sa pangalang ikil. sabi ko kunan nya ko ng planner sa starbucks. pero hanggang ngayon wala pa rin akong balita. ang alam ko magtatapos na ang pamimigay nila ng stickers bukas. ang huli kong balita ay 5 stickers nalang ang kulang. tingin ko busy din yung tao. at napressure din sakin. kaya parang pinagtataguan na nya ko ngayon. kawawa naman sya. pero sinabihan nya ko na sya daw ang bahala kaya umasa ako. sana makuha ko na yon bago mag feb. andami ko ng plano na hindi ko maisulat. dahil hinihintay ko ang planner na yon. mahilig ako magsulat ng plans kasi nakakalimutan ko parati ang mga susunod kong gagawin. tulad kanina, hindi pala dapat ako magluto ng corned beef dahil bibilhan ako ni princess ng breakfast. pero nagluto pa rin ako kasi naalimutan ko na oo nga pala may breakfast na ko.bukas ay pupunta kami sa moa, sana maalala ko at magising ako ng 4pm. naiiyak ako sa kakatawa dun sa pinanuod naming trailer ng ip man 5. hahahaa natatawa ako pag naaalala ko. pati si ralph naiyak kakatawa. sana makatulog na ako. di ako makatulog nitong mga nakaraang araw. sana pumayat na ko ngayong taon. diet diet at exercise exercise din. humanda sya kapag nawalan na ko ng planner.

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments