Entry: 10 Friday, October 11, 2013



sobrang nalulungkot na ko. namimiss ko na kasi ang pamilya ko. ayoko na sa lugar na ito. sana nandito ka at kasama ko. malamang di na ko malulungkot nun. ang hirap. ayoko na umalis sa susunod ng di kita kasama. sana magsama na tayo habambuhay. sana wag nila pigilan ang pag exit ko dito sa susunod na taon. kahit kulang ng empleyado sa ospital na ito ay para sa kin ay hindi tamang pigilan nila ako dahil wala naman ito sa kontrata na pinirmahan ko. lalo na at ayoko na talaga dito at gustong gusto ko ng umuwi. paguwi ko ay mamamasyal ako sa kahit saang maisipan ko. isasama ko ang pamilya ko. kakain ako ng lechong kawali at magpapaluto ako kay papa ng crispy pata. natatakam na ko kumain ng pork. at yung chicharon ng lapid's. ang chicharon na may kasamang laman. at syempre kasama kita kakain nun tulad nung dati. tambay tayo habang kain ng chicharon. at madami pa ko gustong gawin paguwi ko. kaya sana makauwi na ko. sana matapos na tong bangungot na ito. akala ko madali lang mag isa pero hindi pala. malungkot. sobrang nakakalungkot. sana makasama ko na ang lahat.

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments