Entry: 11 Tuesday, October 15, 2013



sobrang nakakapagod na. di ko mapigilan magsalita na. hindi lang naman sya ang napapagod. ayoko na dito. sana matapos na tong bangungot na to. may ginagawa ako na pasyente itatanong pa sakin kung nagawa ko na yon. sayang. mas pinili ko na lang manahimik kesa makipagsagutan. basta sa oras ng pag alis ko wag na wag lang nila akong pipigilan. dahil hinding hindi ako magpapapigil. sa wakas konting panahon pa ang aking titiisin. sobrang badtrip yung mga plastic na tao dito. akala ko totoong mga friends sila pero ganon pala yung pinagkakalat nila. kasalanan ko bang nawalan na talaga ako ng gana kumain dito kaya ako pumayat. nakakainis. gawan ba ako ng kwento na nagpapa sexy ako kaya di ako kumakain at pag nagugutom ako ay tubig lang ang iniinom ko to supress my hunger. my God, never ako nagsabi sa iba na ganon yung ginagawa ko so meaning nun, imbento yun. at hindi ako nagsasalita kaya pano ko masasabi sa iba yon. ganon ulit. mas pinili kong manahimik. ayaw ko ng gulo. tama na to. ayoko na talaga. please God, pabilisin nyo pa po ang pagtakbo ng mga oras. para tuluyan ng lumipas ang panahon na ito.

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments