Entry: A Friday, December 01, 2017



nandito nanaman ako. sarap mong balik balikan. hay naku. ano oras na, oras na para matulog. pero wala ka pa.

nagsusulat nanaman ako sa walang kwentang blog na to. ano magagawa ko, mahal ko to. dito nagsimula ang lahat. maraming kwentong walang kakwenta kwenta ang naitala sa kasaysayan mo.

nagising ako ng late na kanina dahil akala ko sa malapit lang ako magtatrabaho, tapos biglang may nagmensahe, ipinapatapon nanaman ako sa malayo. ok lang, pabor naman sakin yun. kasi di naman busy dun.

tuwang tuwa ako nung isang linggo. dahil nagkaroon ng pagkakataon na makapunta ako sa isang festival na napakasaya. sobra. ito ang anime festival asia 2017. grabe, ang daming cosplayers at ang gagaling nila. kahit yata hindi mga kasali sa cosplay contest ay mga naka cosplay din. at nanggaling pa sila sa iba't ibang mga bansa sa asia. sa aking kalooban ay sobrang naiinggit ako. sana pala nagcosplay din ako. ang daming gallery ng iba't ibang anime. parang paraiso. nagsama sama mga otaku katulad ko eh. may japanese foodtrip pa. tapos may nagpeperform din sa stage habang nagiikot ikot. syempre mga anime songs ang bida. bumili ako ng isang lucky bag. isa lang sya pero malaki. lucky bag sya kasi bibilhin mo yung isang bag na may laman na di mo alam kung ano ang laman. masusurprise ka na lang. pero pinili ko yung isang bag ng anime na attack on titan. pagbukas ko meron lamang payong na 3 fold na may design ng attack on titan, na purse, na pouch, na poster, na stickers, na keychain. ang saya lang! tapos binili ko yung bag na mukha ni nyanko sensei ng natsume yuujinchou. kwento tungkol sa mga taong nakakakita ng youkai o ayakashi, maganda din kasi ang dami kong nalalaman dun at natututunan sa buhay. tapos, bumili din ako ng tshirt nun na may mukha din nya. tsaka isa pang may design ng mga pusa. ang saya saya dun.

napansin ko nalang na ang dami ko na palang tshirt na may design na mga pusa. isa nga palang fortune cat si nyanko sensei. naku, obsessed na ba ako sa pusa? nung bata ako, maraming puang kalye samin. isang beses tinipon ko sila lahat at ginawan ko ng bahay gamit ang mga upuan na bangkito ng mga labandera. kaya lang nawala din sila kasi kinuha na nung mga naglalaba ang mga upuan nila.

salamat sa walang kwentang blog na ito at nailalabas ko ang mga naiipong mga pangyayari sa iilang sandali ng buhay ko.

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments